Ayon kay Presidential Communication Secretary Martin Andanar, hawak na ng Malacanang ang impormasyon kung sino ang mga nasa likod ng planong pagpapatalsik kay President Rodrigo Duterte. Binabalak daw isagawa ang Oust Duterte Movement sa susunod na taon. Ini-imbestigahan ng husto ang mga impormasyon na nakarating sa kanila bago ito isiwalat sa publiko. Binalaan din ni Andanar ang mga nagbabalak na pabagsakin ang gobyerno, na mag dalawang isip.
"We have some information, we have some names but we have to confirm, we have to vet. Whatever they are planning, just think twice because it is not lawful to bring down the government, and rest assured that we will protect our President" sabi ni Andanar.
Galing daw sa Estados Unidos ang mga impormasyon na nakarating sa Malacanang at hindi rin raw minamaliit ng Malacanang ang anumang klase ng ulat na tungkol sa destabilisasyon.
"We take any destabilization move seriously, whether it is rumor, or A1 information. It is against the law, it is inciting to rebellion. This has happened in the past. I have received information from credible sources from the United States and we are aware of this, we have names." dagdag pa ni Andanar.
Sa huli, sinabi ni Andanar na mahihirapan ang mga kalaban ng administrasyon na mapatalsik ang Pangulo dahil sa taas ng kompiyansang ipinapakita ng mga Pilipino sa Gobyerno.
"It should be serious for the entire nation. For the 91% of the Filipinos who trust the President, remember the President was also voted with over 16 million votes" ayon kay Andanar.
0 comments:
Post a Comment